Makati City Itinerary

Pumunta sa Yardstick Coffee (MOA Square o SM Aura) at bumili ng ‘A Matcha of Time’ na special drink

Mag-order ng special drink na ‘A Matcha of Time’ sa Yardstick Coffee. Ito ay iced oat matcha latte na may sugar palm syrup (ang paboritong inumin ngayon ni Laufey ay iced matcha latte)! Maaari kang pumunta kasama ang iyong matalik na kaibigan. Wala nang mas sasaya pa sa pag-inom ng masarap na palamig kasama ang iyong matalik na kaibigan! I-tag mo ang @yardstickcoffee para makita ni Laufey at ng ibang Lauvers ito sa susunod nilang bisita!

Track: Lover Girl

Bumisita sa kahit anong mga kalahok na Fully Booked branch para sa A Very Laufey Day

I-tag si Laufey at ang Laufeyland/Laufey Book Club upang maipakita sa kanya at sa ibang mga miyembro ng book club kung ano ang kasalukuyan mong binabasa! Dagdag na puntos kung ikaw ay may gamit na Laufey tote bag. Tingnan ang mga kalahok na tindahan ng Fully Booked at alamin kung ano ang pinakamalapit na branch sa lugar mo na may A Very Laufey Day Recommended Reads na display.

Track: Mr Eclectic

Dumiretso sa A Very Laufey Day Vintage Flea Market ng South Trading Post at humanap ng bago mong kayamanan

Ang A Matter of Time era ay tungkol sa kagandahang walang kupas — ito man ay makalumang istilo o klasikong kasuotan at pananamit na may istoryang maibabahagi sa bawat piraso. Mamili sa mga seleksyon ng apparel brands na Laufey-coded. Ito man ay napag-gamitang kardigan o anik-anik, hayaan mong maging parte ng mundo mo ang susunod mong mahahanap dito!

Track: Too Little, Too Late

Bumili sa The Lost Bread na pop-up ng “A Berry Laufey Day with Laufberries” na sorbetes dahil…

Deserve mo ‘to! Ngayong taon, si Laufey ay nasa kanyang ice-cream/frozen treat era, at ikinatutuwa nyang makita ang lahat ng video na ito na gamit ang Promise na sound. Kaya’t nararapat lamang na magsama-sama tayo ngayon na mag-enjoy ng sorbetes ngayong AVLD! I-tag mo ang @thelostbread_ nang makita ni Laufey at ng ibang mga Lauvers ang iyong karanasan!

Track: Silver Lining

Bisitahin ang Manila City Hall Clock Tower at iromantisa ang iyong buhay

Nang sinusulat ni Laufey ang mga kanta sa A Matter of Time, nakahanap sya ng inspirasyon sa mga makalumang bagay at galimgim na mahahanap mo lang sa mga aklat at mga sinaunang kastilyo. Tumayo sa gilid ng tore at hayaan mong ibalik ka ng panahon sa sandaling ito.

Track: Castle in Hollywood

Kung nasaan ka man sa mundo, ibahagi mo ang iyong mga larawan o bidyo sa araw na ito at gamitin ang paboritong mong kanto o linya sa paborito mong kanta ni Laufey. Pumunta sa The Archives Booth at kumuha ng sarili mong photo booth session na may custom AVLD frame!

I-tag mo kami @laufey @laufeyland @laufeybookclub @secret_signals at gamitin ang hashtag na #AVeryLaufeyDay dahil nais namin makita ang iyong karanasan sa araw na ito!

Track: Clean Air